Hanapan ang Blog na Ito

Biyernes, Pebrero 19, 2016

Do You Have The #Habit Of Procrastinating.

Do You Have The #Habit Of Procrastinating?

Naranasan niyo na ba mag-procrastinate? Procrastinate? Ano yun?

Ito yung pag iwas sa mga bagay na dapat mong gawin by using delaying tactics like excuses, and finding ways para makatakas ka sa isang responsibilidad. Yun bang mas inuuna mo ang mga bagay na GUSTO MONG GAWIN kaysa sa mga bagay na tingin mong DAPAT MONG GAWIN.

Halimbawa:
“Wait check muna ako ng facebook.”
“Mamaya ko na gagawin yung trabaho, mahaba pa naman ng oras.”
“Sabi niya tutulungan niya ako, hindi naman pala. Hindi ko tuloy natapos yung dapat kong gawin.”
“Hala, naku, sandali, ngayon pala yan di ko alam.”

Ang mga taong mahilig mag delay ay isang ‘Russian’ kung tawagin dahil laging “Rush-yan, Rush-yan, paki bilis” ang senaryo. Lagi ka nalang kasi minamadali o nagmamadali sa huli dahil hindi mo ginagawa kaagad ang isang task kaya ka napapag iwanan.

Alam niyo, mahirap makasanayan ang ganitong habit because not only are you missing out on more opportunities dahil sa bagal mo, pero pinapahirapan mo din ang sarili mo due to stress tulad ng:

* Emotional stress– dahil lagi ka na lang pressured at kinakabahan

* Mental stress– dahil lagi ka nagiisip kung papaano mo tatapusin yung mga bagay na dapat natapos mo na noon pa

* Professional related stress– dahil anytime pwede ka mapagalitan ng boss mo or worst, tanggalin ka sa trabaho

Paano mo ba malalaman na ikaw ay isang procrastinator? O kung may nakakasama kang ganito?

HABIT OF AVOIDANCE

Ito yung pag talikod o pagiging patay-malisya sa mga dapat mong harapin at the moment dahil sa iba’t ibang dahilan. Minsan hindi mo pa ito trip gawin, wala ka sa mood, ayaw mo pahabain ang isang issue, takot kang hindi matapos ito, or tinatamad ka.

Example:
Student na hindi nagrereview kahit bukas na ang exam
Parent na ayaw i-confront ang kanyang anak kahit may maling ginagawa, or
Ayaw kausapin ang asawa kahit may kailangan silang iresolba na issue

DENIAL

Ito yung habit na alam mo namang may kailangan kang gawin pero pinapaniwala mo ang sarili mo na ‘hindi pa naman’ ito masyadong urgent. Ginagamit mo din ang thinking na ito para magkaroon ka ng excuse at para ma-justify mo ang current behavior mo.

Halimbawa na lang sa trabaho, you always check on your facebook at sinasabing “I need a break, 10 minutes”.

Walang problema dun, pero kapag itong excuse na ito ay ginamit mo sa maling paraan at maling timing, maaring maabuso mo ito hanggang sa dumating sa point na ang 10 minutes ay umabot ng 30 minutes, at ang 30 minutes ay umabot sa isang oras.

Ang ending, wala ka nang natapos.

BLAMING OTHERS

“Eh kasi siya hindi ako tinulungan”
“Eh kasi siya hindi man lang ako sinuportahan”
“Eh kasi sila wala man lang initiative”

“…Kasi siya, kasi siya”—Eh ikaw, ano ang mga nagawa at na contribute mo na? May natapos ka na ba o umaasa ka lang sa iba bago ka kumilos?

Hindi dapat natin ginagawang dahilan ang iba before we move dahil kung ganun na rin lang, tiyak na wala kang matatapos.

Kung may mga bagay ka na kailangan gawin, matuto kang dumiskarte na matapos ito nandyan man ang iba o wala dahil kung talagang gusto mo na may ma-accomplish ka sa araw araw, gagawa ka ng paraan. Use your time to do something productive rather than wasting it on blaming others.

Free video..>>>http://bit.ly/210voQU

Ano ano ang mga bagay na tinatakasan mo?

Bakit mo ito dine-delay?

Willing ka bang baguhin itong habit na ito para maging mas productive ka?
Or click this >>>http://bit.ly/1TocmxO


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bakit ang daming na isi-scam online?

    Hi Friend Karamihan ng mga pinoy ay madaling mahikayat  sa magagandang salita.  Kung kaya kadalasan  ito ang dahilan kung...